Global phrasebook for persons with kidney problems Filipino ( A ) ? 1 Kamusta 2 Paalam 3 Oo 4 Hindi 5 Salamat sa iyo 6 Maraming salamat or Salamat sa iyo ng marami 7 Pakiusap 8 Mawalang galang po 9 Patawad 10 Ako 11 Ikaw ( B ) Sukat / Dami/Bilang 12 Marami ; Higit 13 Kaunti 14 Kaliwa 15 Kanan 16 Maliit / Kaunti 17 Katamtaman 18 Malaki 19 ? 20 Kalahati 21 ? ( C ) Oras 22 Lunes 23 Martes 24 Miyerkules 25 Hwebes 26 Biyernes 27 Sabado 28 Linggo 29 Umaga 30 Tanghali/hapon 31 Gabi 32 Gabi ( D ) Mga pormalidad na detalyeng kinakailangan bago simulan ang pagpapagamot 33 Ang pangalan ko ay si …. 34 Saan ko makikita ang Dialysis Unit? 35 Mayroon akong appointment para sa dialysis 36 Narito ang pahayag ng doktor at resulta ng eksamin ng aking dugo. 37 Narito ang sulat/liham ng aking "Health Insurance" na nagsasabing/nagpapatunay sila ang mananagot sa lahat ng aking kakailanganin sa pagpapagamot. 38 Magkano ang halaga ng pagpapagamot? 39 Maari mo ba akong bigyan ng resibo? 40 Ano ang oras ng aking pagpapagamot? 41 Saan ko matatagpuan/makikita ang toilet/c.r./banyo? 42 Tumatanggap po ba kyo ng EHIC? (European Health Insurance Card) 43 Maari ko bang palitan/baguhin ang takdang araw ng aking pagpapagamot? 44 Maari ba/Posible bang gawin ang "hemofiltration' sa iyong klinika? 45 Ano ang aking 'creatinin' level? ( E ) Mga detalyeng may kinalalaman sa aking pagpapagamot 46 Mayroon akong dialysis catheter 47 Mayroon akong shunt 48 Mayroon akong fistula. 49 Maari ba na ako ang tumusok ng karayom sa aking sarili? 50 Ako ang kalimitan na nagtutusok ng karayom sa aking sarili. 51 Ako ang nagtutusok ng karayom simula pa ng nakaraang buwan/taon 52 Higit akong panatag o komportable kung ako mismo ang magtutusok ng karayom sa aking sarili. 53 Ibig ko na ako ang magturok ng karayom sa aking sarili ngunit maaari ba na ikaw ang magkonekta sa akin sa makina? 54 Dito itinutusok ang karayom para sa artery. 55 Dito itinutusok ang karayom para sa venous. 56 Ang ginagamit kong sukat ng karayom ay…. 57 Ang ginagamit kong klase ng dialyser ay…. 58 Maari mo bang lagyan ng pampamanhid bago itusok ang karayom? 59 Ang kadalasan na pumpspeed/bloodflow ko ay…. 60 Ang bloodflow ko ay hindi hihigit sa…. 61 Ang heparin dose ko ay….sa simula at... kada oras. Sa panghuling oras ako ay tatanggap ng… Ito ay dapat itigil/ihinto... ilang minuto bago matapos ang ang aking dialysis. 62 Ang pressure ko ay… positibo at … negatibo 63 Matapos ang dialysis ako madalas binibigyan ng… EPO/EPREX/ EPOGEN 64 Ang type ng aking dugo ay… 65 Ako ay allergic sa… 66 Ang presyon ng aking dugo habang nagpapagamot ay.. Tama lamang / tumataas / bumababa 67 Sa pagitan ng aking dialysis ang kadalasan kong timbang…kilo per 24ora. 68 Kadalasan ang tinatangal sa akin habang naka-dialysis ay… kilo per/kada oras 69 Ilang oras ang aking dialysis ngayon? 70 Ang aking dialysis ay hanggang…oras 71 Nais kong uminom ng….litro habang nakadialysis 72 Ang aking dry weight ay… 73 Madalas akong mag-kramps kung nagdadialysis. ( F ) ? 74 Nurse! Maari bang makisuyo na pumunta ka dito? 75 Maari ko bang makausap ang doktor/manggagamot? 76 Maayos/mabuti ang aking pakiramdam. 77 Masakit ang aking ulo. 78 Ako ay naduduwal. 79 Sumasakit ang aking tyan. 80 Pakiramdam ko ay nilalagnat ako. 81 Kinakapos ako sa paghinga. 82 Tingin ko ay mababa ang aking presyon maari mo bang kuhaan/tignan? 83 Nagdurugo ang pinagtusukan ng karayom. 84 Namumuo ang mga dugo sa aking linya. 85 Kailangan ko ng bedpan 86 Kailangan ko ng lalagyan upang sukahan. 87 Susuka/duduwal ako. 88 Nagkakramps ako. 89 ? 90 Nahihilo ako or Ako ay nahihilo 91 Ako ay nauuhaw. 92 Ako ay giniginaw / nilalamig. 93 Sa aking pakiramdam ako ay hihimatayin o papanawan ng ulirat. 94 Hindi maganda/mabuti ang aking pakiramdam. 95 Ako ay naiinitan. 96 Sa pakiramdam ko presyon ko ay bumababa. 97 Ako ay nagugutom. ( G ) Mga pakiusap 98 Pakiusap, maari ba na humingi ng 'quinine'? 99 Maari bang humingi ng gamot para sa sakit ng ulo? 100 Maraming Salamat, Mabuti na ang aking pakiramdam. 101 Maari bang tapusin ko ng maaga ang aking paggagamot? 102 Maari bang tanggalin mo na ang aking pagkakabit sa makina? 103 Maari bang pakibuksan ang bintana? 104 Maari bang pakisara ang bintana. 105 Maari bang pakibuksan ang bentilasyon? 106 Maari bang pakisara ang bentilasyon? 107 Maari bang humingi ng tubig, asukal, gatas, yelo, malamig na gatas,, mainit na gatas, lemonade, juice? 108 Ano ang mga maaari kong inumin? Tsaa, kape, malamig na gatas, mainit na gatas, lemonade, juice? 109 Maari mo ba akong bigayan ng intravenous saline? 110 Ibig kong tignan ang aking timbang maari mo ba akong akayin patungo sa timbangan? 111 Maari bang ibigay mo ang EPO ko ngayon? 112 Maari bang makahingi ng unan? 113 Maari bang makahingi ng isa pang unan? 114 Maari bang makahingi ng kumot? 115 Maari bang makahingi ng isa pang kumot? 116 Maari bang kuhanan mo ako ng presyon ng dugo? 117 Maari bang humingi ng oxygen? 118 Maari bang humingi ng isang basong tubig? 119 Maari bang humingi ng pagkain? 120 Hindi ako nagugutom. 121 Ibig kong pumunta sa c.r./banyo/toilet 122 Ibig kong umihi. ( H ) ? 123 Nais kong kunin ang mga habilin kong CAPD bags. 124 Kailangan ko ng…. Bags na walang glucose...bags na may glucose. 125 Maari bang humingi ng alkohol / disinfectant? 126 Ang aking CAPD rinsing solution ay malabo, sa pakiramdam ko'y mayroon akong impeksyon, maaari mo bang sabihin ito sa manggagamot. ( I ) Pagtapos ng Diaysis 127 Maari mo bang kuhanan ako ng temperatura? 128 Kailangan akong timbangin. 129 Maari mo ba akong kuhanan ng presyon sa dugo. 130 Maari bang makahingi ng sterile swabs / gauze compresses? 131 Maari bang makahingi ng plaster? 132 Maari bang makahingi ng bagong bandage? 133 Maayos/maganda na aking pakiramdam maaari na akong umalis. 134 Kailan ang aking susunod na takdang pagpapagamot? 135 Maari mo ba akong itawag ng taxi? 136 Maari mo ba akong kuhanan ng bloodsugar level? 137 Sa tingin ko ang bloodsugar ko ay mababa. Translation: Annaiss Hammersmith 2nd check: Mila Hammersmith